All Star PBBFG

Saturday, January 06, 2007

"Puro na lang ako.." -Maristel

I'm finally over with ALAXAN FR (fast relief) capsules... For 2 days straight I've been taking Alaxan and been sleeping myself for the sleepless nights I spent the days I was at Casanjo Garden Resort @ Cainta... Oh well... I remember our last day there... Parang wala lang... Nakipagkulitan lang sa mga tao at pinipilit ko sina Balong at Harry na CRUSH nila ako! Hahaha! Eh paano ba naman kasi, wala silang ibang makulit kundi ako... Puro na lang ako.. Marami namang iba eh! Nandoon si Manang Flora, pero ako pa din ang pinipilit nilang kulitin!

Oh well, I guess - naging cinceited lang ako that day... Di ko naman sinasadya! Natawa pa ako, coz maagang maaga katext ko na ang isa sa kada ko sa Village na yun! Si Cristian! Eh paano, gabi pa lang or should I say madaling araw pa lang and kainitan pa lang ng inuman eh, nagpromise na magdadala daw siya ng SPAM... Aba-ba-ba! Wala daw siya mahanap! Hehe! Pero okay lang, dahil madami pa namang natirang Tilapia and Liempo para iihaw... Dumaan lang siya saglit dahil magpapala pa raw sila ng lupa sa harap ng bahay nila...

Mega swimming na kami pagdating ni Tita Baby.. Actually I asked my cousin Paulo to draw something sa bukung-bukong ko... NagpaHenna na ako before sa kanya... Eh wala naman kaming dalang henna kaya ayun ang nilabas ko yung Sharpie ko na pentel pen... I asked him to draw a butterfly sa ankle ko... Whick I really loved!!!

Sad part was... I woke up yesterday (after a day na nakapag-adjust na ako from body pains & head aches) eh STIFF NECK naman ang nagkaroon ko... Sinawing palad nga naman talaga... So after a day of skipping ALAXAN FR... Nag Alaxan FR na naman ako kanina... Wala naman masyado kaenjoy-enjoy dahil ang tingin ko sa sarili ko ngayon eh ROBOT... MagkaStiff neck ka ba naman? Ewan ko na lang kung sino ang makakatagal sa ganitong sitwasyon... Wala na ngang boses, di pa makagalaw... 2 minutes nga bago ako makabangon from my bed... *sighs*

Pero, kahit naman na ROBOTIx ako eh.. Naayos ko na ang room ko! At last! Well, just a few things I love doing! And that's my room... Tomorrow, laundry naman...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home