All Star PBBFG

Friday, December 29, 2006

"Nakita daw nila ako, buhat-buhat ako ng isang mama tapos sa may kanto daw sa may Metrobank, duguaan daw ako" -Maristel

Hindi na ako natulog yesterday, coz I'm meeting friends sa Greenhills.. Excited ba ako? Cguro nga.. Hehe! Ayaw ko lang ipahalata! Haha! Ayun, maaga nagising kuya ko.. Bumaba sya ang tumatakbo talaga sa hagdanan, I was role-playing pa naman nun.. Nagulat lang ako, para syang nagpapanic na hindi maintindihan.. Sobrang sama daw ng panaginip niya.. Ako naman ang lokaret na, "Huh? Baket? Ano ba napanaginipan mo?" Salita pala siya ng salita, di ko siya nadidinig dahil nasa cr sya.. Hanggang sa narinig ko na lang siya na sumigaw. Sabi niya, mamaya na nga! Hehe! Ok naman! Ang galing ng hearing performance ko!

Hanggang sa ayun nga, after magbrush ng teeth ng kuya ko, mega kwento na sya, and share nya sa akin ang panaginip niya.. Sabi niya ang sama daw ng panaginip niya.. Nagpasama lang daw ako sa SM, may bibilhin lang daw ata akong chocolate.. Nagpahintay na daw ako sa kanila ni Luten.. Nagtataka lang daw sila kasi daw ang tagal-tagal ko.. Hanggang sa sbi niya daw kay Luten, "Pakitignan na nga si TingTing sa loob!" So bumaba daw sila ni Luten, hanggang sa nagulat daw si Luten sa nakita niya.. Sumigaw daw si Luten, sabi daw.. "Sir, di ba si TingTing yung hawak nung mama!?" Nakita daw nila ako, buhat-buhat ako ng isang mama tapos sa may kanto daw sa may Metrobank, duguaan daw ako.. Tumakbo daw sila, tinatanong ako, kung napano ako di naman daw ako makasagot.. Di daw ako makapagsalita, tinuturo ko lang daw yung mama. Hinahanap na daw ng kuya ko yung mga gamit ko, tinuturo ko yung Mama! Basta, ang sabi ng kuya ko, hinihingi ata sa akin yung cellphone ko, di ko daw binigay.

Oh well.. Panaginip lang yun.. Di naman totoo.. Kaya naman out of takot, kung anu-anong kaWindang ang mga ginawa ko.. I'll share the other stuffs here.. Natuluyan na kasi ang cough and colds ko.. Nilagnat na din ako.. Anu ba naman ito! Ang sama lang, kasi naman, bakit ngayon pa!

Ang another thing.. Ganito na kaya talaga ang status ng Photobucket.. "DI MA-OPEN?" Grrrrr...

Christmas drinking sesh with my pamangkin, NICE.. wala lang.. Wala naman din kasi ako makulit that night kaya ayan, nagkulitan na lang kami dalawa... Nung morning till afternoon, may topak ang batang yan, di ako pinapansin.. Nung gabi na, okay na sya.. Aba! At abusado pati ang strap ng bra ko, kinukulimbat..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home