All Star PBBFG

Tuesday, November 21, 2006

"Soft Diet tuloy ang ine-encounter ko ngayon" -Maristel

May sakit pa din! TRANGKASO na talaga tinuloy nito... Nagtuloy-tuloy na talaga... Di ako sanay ng meron ako ganitong feeling... Ayaw ko ng para akong inaalagaan... Inaalagaan palang tunay... I would rather prefer na ako yung nag aalaga... Iba kasi feeling na mga nagkakasakit ngayon... Ibang level ng MABIGAT ANG PAKIRAMDAM... Literal talaga... Na kulang na lang pati, ulo ko subsob na sa mesa... Di ako makatagal sa isang lugar lang... Very UNEASY ako... Nahihilo din... Sobrang sakit ng lalamunan ko na, ang hirap hirap lumunok ng kahit na ano... Hirap kumain... Hirap humikab... Pati tenga ko, masakit... Mata ko, Ulok ko pati yung likod ko na may PASA, lumaki na yung pasa...

NakakaTouch lang, kasi umalis last night yung kapatid ko. Dinala niya yung hinihiram ng Dad ko na Welding Machine. Kaya pala nagtagal sila ni Papu, kasi bumili pa sila ng pasalubong... Special Bibingka... Sarap sana, kaya lang, hirap kumain... Lahat ng kasu-kasuan ko masakit! Kapag humiga ako, isa lang position ko, bawal ako umikot ng umikot... Kasi parang naLamog yung katawan ko... Di ko alam... Bakit kaya ganito na mga sakit ngayon?

About my niece naman, no changes pa din... Kinakatakot lang kasi, sa stool and Urine test wala naman sila findings... Baka daw mamaya umabot na ng lungs... I pray na wag naman... Mataas pa din lagnat niya...

Last night, pinagluto ako ni Mommy ng Oatmeal... Yun lang kaya ng lalamunan ko eh... Soft Diet tuloy ang ine-encounter ko ngayon...

About my Tito naman... Wala pa din kami balita... I just hope, kung kanino lumapit Dad ko and humingi ng tulong, magawan sana ng paraan...

Halos lahat naman sila magkakapatid ngayon nasa peligro talaga... Tito Elly ko, kumuha pa ng Permit to Carry... Same as my Dad din... Kasi yung malaki nyang Warehouse sa Pampanga, nadiskubre nila na marami ng nanakaw... Even yung mga parts ng OLD Opel Manta na di na magamit... Lahat ng parts wala na... Pati yung Radiator... 150 per kilo bili dun... Haayyyy... Hanggang sa nagka Barangayan na, nagkaThreat na din... Ganun din sa Tito Elly ko, na iniipit naman mga gamit nya sa Warehouse niya sa may Speaker Perez... Haaiii..!

Sana lang maayos ng lahat... Pati ako, sana gumaling na... Kasi baka mamaya iba na naman kasunod nito... Like yung pika last time na nagkasakit ako... Gumastos ako ng 8k para lang sa antibiotics and ointments...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home