All Star PBBFG

Monday, November 20, 2006

"Sana maayos na ito" -Maristel

MAY SAKIT AKO (na naman?!) Eto, natuluyan na talaga! Pero, still nagkikikilos pa din. Di lang ako sanay ng ganito na parang may limitasyon lahat ng ginagawa ko. Nagulat na lang ako ng pumasok mga pinsan ko sa kwarto and chiceck ako. Inalis yung comforter ko na nakatalukbong sa kin. Sabi, bakit daw ang taas ng lagnat ko. Bakit daw bigla. Ano daw nararamdaman ko. Kinuhaan nila ako ng pajama, sweat shirt at medyas. Walang tao the whole day sa bahay... 6:30 na dumating si Bane. Si Papu quarter to 7. Wala naman ako gana kumain, dahil sobrang sakit ng lalamunan ko...

Nalaman ko din na dinala din pala yung pamangkin ko na si Nice sa Fe Del Mundo. Pinatignan din dahil 1 week ng may sakit. Nagtatae pa... Next week babalik sila kay Dra. Regino for Trisomy Test.

The worst new came just tonight. Yung Tito ko na nakapag-asawa ng Bicolana and now residing at Tabacco, Albay - ay mayroon daw malaking problema. May nakaatraso daw sya na anak ng Chairman sa lugar nila and di daw sila makalabas ng bahay nila dahil pinamamanmanan sila. Nagtext lang siya sa Tita Lani ko and sinabi na low batt na cellphone niya and sana daw sabihin sa Daddy ko and sa Tito Elly ko, na nasa peligro buhay niya. "PLEASE HELP" daw. Di nila malaman kung biyahe sila ng Bicol o hindi.
Sana maayos na ito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home