"Para mawala ang isang kliyente na amin ng inaalagaan ng ilang taon ay siyang nakakalungkot - para akong nauupos na kandila sa aking mensaheng natanggap" -Maristel
May isang NAPAKA-IMPORTANTENG BAGAY ang mabilis pong nawala sa di inaasahang pagkakataon... Maagang maaga kahapon... Ako po ay nagpaDeliver ng MC CHICKEN at ako'y nag almusal kasama ang aking Kuya at pinsan. Kami'y kumain at makalipas ang ilang oras, ako ay nakatulog na din... Ngunit sa aking pagkakaalam, hindi na matutulog ang aking Kuya Sander pagkatapos nilang magset-up at makapag ingress sa Metro Market! Market Activity Center para po sa CODE PINK or Cancer Awareness Week na siyang aming event.
Mayroon kasi kaming Ocular Inspection sa The Fort, Officer's Club... Sa di inaasahang pagkakataon, ang Kuya ko pala'y nakatulog din at di na namalayan ang oras. Naka pitong tawag sa aking cellphone si Ma'am Anna Vallesteros ng Bitmicro. Isa sa aming kliyente... Mga alas dose ako'y nagising at aking natanggap ang di magandang mensahe... Marahil kanyang inisip na dahil sa ILAW na lamang ang kanilang uupahan sa amin, kami'y umaatras na sa aming napagkasunduan.
Pinilit ko na makipag-usap sa kanya ngunit sa kanyang nabitawan na salita, sila'y kukuha na sa ibang Kompanya para sa kanilang Christmas Party... Dose mil din ang mabilis na nawala sa amin... Maaring ibababa ko pa ang presyo gawa ng di na sila kukuha ng Sound System sa amin... Ngunit para mawala ang isang kliyente na amin ng inaalagaan ng ilang taon ay siyang nakakalungkot - para akong nauupos na kandila sa aking mensaheng natanggap, ngunit, di din nila kami bigyan ng isa pang pagkakataon. Maari, ganyan nga talaga ang buhay... Hindi laging ikaw ay nasa itaas, may panahon na ikaw ay nasa ibaba naman...
Masaya na din ako na kahit papaano ay nakatanggap kami ng biglang tawag sa RJTV at sila magrerentang muli ng Profile Spot... Naging maganda din ang aming event kanina sa Metro Market! Market... Naging ispesyal na panauhin sina Nadine Samonte, Jaycee Parker, Alessandra de Rossi, at maraming pang guest ispiker ang dumating... Nagbigay ng dalawang awitin si Rachelle Ann Go (na siya pong napakabait, sa di inaasahan) at umawit din si Jolina Magdangal... Naging espesyal din dahil dumating sina Bb. Cory Quirino at Madam Loren Legarda. Akin na lamang pong ipapaskil ang mga larawan mamaya, kapag akin ng nakuha ang kamera sa aking kapatid.
Isa sa naging LEKSYON ay: Wag ipagsasawalang bahala ang mga bagay na akala mo ay inyo o atin na... Naging kampante din ako na hindi na matutulog ang aking Kuya at siya'y makakarating sa Miting, ngunit gawa at sanhi din ng sobrang kapaguran dahil 3 balikan ang aming labas sa Market! Market ay di na nila nagawan pa ng paraan... Sa susunod, tutukan ko na din ng mabuti ang aming mga iskedyul upang di na maulit ang ganoong pangyayari... Hangad ko'y kahit papaano, kanila ding makita ang pinagkaiba ng aming Service sa kanilang makukuhang provider...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home