All Star PBBFG

Tuesday, November 28, 2006

"Nakakatouch lang! I felt so welcome... " -Maristel

7pm wala na ako sa house... Dahil na din siguro sa dami ng pressures ngayon sa LIFE & WORK kaya nakaladkad ako ng kapatid ko sa bagong bahay ng Tita ko plus it's her birthday,,, November 27... Matagal na din since I last saw her and her TRES MUJERES daughters... Actually, I texted her and greeted her, ganun lang... Naliligo ako when my cellphone beeped and di ko din nabasa agad... Nakapagbihis na ako and naayos ko na ang face ko, di ko pa din nabasa... Hanggang sa nagsiKatukan na mga kasama ko sa room ko, dahil aalis na nga daw... I was just about to tie my shoes ng may nagtext na naman... So inuna ko na buksan ang pinto... After, I closed my closet na and did another check sa aking itsura... Matagal-tagal na din ako di nakalabas ng di ako nakakapag ayos... Not actually MAKE-UP stuffs naman... Di naman kasi ako marunong mag-aaply ng make up!

How I wish nga marunong ako maglagay ng kolorete sa mukha... Lahat lang naman ng basic ang kaya ko ilagay sa mukha ko... Facepowder lang... Lipgloss... And shempre ginamit ko yung White EYELINER na binili ko... Magdamag ba naman akong umiyak eh... So I got this PUFFY, TIRED EYES... Kailangan ang emote ko, parang wala lang... Parang WALA AKONG PROBLEMA... Dapat masaya! Kung ano yung "TING" na kilala nila Tita dapat yun ako pagdating ko sa kanila...

I went downstairs and checked on Baboo... Isasama ko sana kaya lang dumating nga pala yung husband ng Tita ko from Iloilo and he also love doggies... Kaya sabi ko wag ko na isama si Baboo... Dalawa na lang sila magpakalat-kalat ni Sushi sa house... Mabuti na lang naFeed ko si Baboo ng hapon... At least kahit maLate man ako ng uwi... At least di sya ganun kaGutom... Di siya maninira or magngangatngat ng kung anu-ano sa house...

Nilagay ko saglit yung bag ko sa Counter and checked my cellphone... Si Tita Cathy na pala yung nagtext sa akin... Sabi niya, "Padadalhan na lang kita ng Dinuguan..." Di ko na niReplyan, kasi pupunta din naman ako dun and I want to surprise her din! Matagal na kaming di nagkita eh... And balita ko from having her hair a curl the last time I saw her (that was September) nagpaRebond naman ang loka! So ako, di na reply... Sabi ko, kung aalis na, TARALETS NA!

Tapos ayun, nakisabay sa'min si Kuya Sander. Dinaan namin siya sa Warehouse saglit and kami naman, mega GAYGAY sa Quezon Avenue... Nagtanong si Arjay (ung kapatid ko) kung saan may Red Ribbon... So sabi ko sa E.Rodrigues meron, maaga pa naman, baka bukas pa... Di niya matandaan kaya sabi mo sa may Hemady, before kumanan to Tomas Morato makikita niya yun... Nagulantang kami, kasi 7:30 CLOSED na... So sabi ko, may isa pa sa may Panay Avenue... So sa may Tropical Hut pa lang, nakita ko na yung malaking RED RIBBON... Sabi ko bilin niya yung may "praline nuts" eh tinamad ang mokong! Aba! Dumiretso sa Goldilocks sa tabi ng National Bookstore... After 5mins., tumatakbo na pababa... May dala ng CAKE! So kami ngayon, tanong namin sya agad kung ano yung flavor na binili niya... "UBE CAKE" daw...

Sabi ko, di ko type yun! Sabi nung asawa niya, eh FAVORITE NIYA yun! Waaah! Talunan na naman ako, kasi may share ako... Pero okay lang, kasi regalo naman namin yun, bukod pa sa dala kong set of DOVE Exfoliating Soaps na may kasamang Massager...

Diretso na kami sa Scout Area, katok sa bagong bahay at si Angel (may inaanak) ang nagbukas ng pinto, natawa pa ako sa reaction niya, gulat na gulat na may smile sa lips... Sabi ko, "WHAT'S WITH THE REACTION?" At aba! Ang bata! Nagtatatakbo paakyat at nagsisisigaw, "SI ATE TING, NANDITO!!!"

Nakakatuwa, pati si Tita Cathy, "Aaay! Si TingTing!!! Nandito pala!" Nakakatouch lang! I felt so welcome...

Kain na agad kami... On time lang, kasi kararating lang ng asawa niya! Grabeh! FOOD FEST! Though Nilagang Baka and Dinuguan lang tinira ko!

After nun, Maging Sino Ka Man na, kaya lahat kami UNATTACHED na sa tube! Tapos nung commercial break na... Nag slice na si Tita ng CAKE na dala namin! Patawa yung kapatid ko... Kasi di niya check yung nasa box niya!

Oo! Ube Cake nga pero ang pangalan na nakalagay is Rowel! Hindi CATHY!

Wahaha! Sabi ko, baka tinakbo lang ni Arjay! Baka may nakapalit siya! Waaah!

Grabeh! Nakakatuwa lang yung nangyari kanina!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home