Maristel confesses: Di ko po inaasahan na ang simpleng pag apila ko sa pagbibigay o paglalahad ng direkta sa aming mga kasambahay ay lalaki ng ganito
Masado na pong marami ang nangyayari sa loob ng inyong bahay BBK... Una po sa lahat, nakakalungkot po, na parang gusto kaming pagkagalitin ni Gee sa mga pangyayari... Di ko po inaasahan na ang simpleng pag apila ko sa pagbibigay o paglalahad ng direkta sa aming mga kasambahay ay lalaki ng ganito... Gusto ko po na inyong malaman na wala po kaming dapat di pagkaunawaan ni Gee... Lahat po ng nangyayari sa loob ng inyong pamamahay ay amin pong inilalahad sa isa't isa... Bago pa man po ako umapila sa inyo, akin pong sinabi at nasambit ang aking mga nasabi kay Gee, Charles, Rowen, Paolo, Mica at Neil... Ang di ko lamang po maintindihan ay kung bakit po pinalalaki pa ang isyu. Tapos na po iyon... Akin na pong nabanggit sa Household Council na akin na pong "NAKUHA" ang inyo pong ineeksplika sa akin o kung sino pa man po sa amin nila Mica, Kashen, Rommel o Charles ang nagsabi o bigla niyo pong hiningan ng pouweba o kung bakit po nila ako inayunan...
Sa tingin ko po, hindi din po tama na para pong nagkakaroon ng bangayan sa mga kumpisal namin sa inyo... Kami po ni Gee, sa anuman pong nangyari noon at nangyayari ngayon ay lagi pong nag uusap... Marahil po nagkasira ang Globe Broadband ng kanyang kompyuter at gayundin po ang aking kompyuter, nakakagulat lamang po ang mga nagiging mga reaksyon namin... Di po maganda ang nagiging impresyon ko sa Council... Kung anuman po ang mga naging isyu na iyon, sa tingin ko po'y nakakasakit na po ng damdamin ng bawat isa...
Katulad ko po... Sa di inaasahang pagkakataon ay muli pong lumabas ang aking INFERIORITY COMPLEX... Gawa po ng lahat na lamang po ay napag-uusapan. Hanggang sa kaliit-liitang bagay po BBK ay nagiginng komplikado na... Amin din po yang napagkasunduan ni Gee... Tingin ko po tuloy ngayon sa aking sarili, ay napakaBobo ko na po para di maintidihan ang inyong mga alituntunin... Hanggang sa lahat na lamang po ay napag-usapan na... Napagusapan din po namin ni Gee at akin din pong nabanggit sa kanya kanina, na pati ang pronouns ay kailangan ko pang intindihin at gamitin ng maayos. Natawa pa nga po ako at gayundin po si Gee, dahil akin pong nasambit sa kanya na mahina na ang aking Ingles... Di naman po kasi ako katalinuhan... Ordinaryong tao lamang po ako... Siguro po'y mas maayos ko ito sa at gayundin po ang iba, kung mas titignan na lamang po namin ang aming mga ilalahad bago namin ito iPOST sa aming kumpisalan...
Kung ako po'y susulat ng aking kumpisal, pinilit ko na po na walang matatapakan o masasaktan, ngunit at gayun pa man, tuwing akin pong nababasa ang mga naging reaksyon ni Gee sa Council o Kumpisalan, paminsan po ay di ko matanggap... Katulad nga po ng kanyang cnabi noon na mahirap ang magJustify lalo na't alam mo kung paano magreact ang taong concerned... Ganoon po ang aking eksaktong nararamdaman tuwing gusto kong sagutin ang kanyan reaksyon o naging pananaw sa aking kumpisal... BBK, nais ko po na inyong malaman, na parehas lamang po kaming nasasaktan ng husto sa mga nagiging usap-usapan namin sa Council o kung anuman pong sagutan ang nagyayari sa kumpisalan namin ni Gee... Ngunit sa kabila po ng mga iyon, nais ko pong ipagbigay alam sa inyo, na wala po kaming pinagkakagalitan ni Gee... Ayaw ko din po na isipin na mayroon kaming di pinagkakasunduan... Hindi po kami ang ganung tipo ng magkaibigan.
Sana lamang po, ay maintindihan ito ng iba pa po naming kasambahay... Ako man po sa aking side ay wala pong masamang tingin sa kanyang nabitawang salita o kung anu pa man. Bilang nilalang po, hangad ko na lamang po ng kaunti at natitirang privacy sa bagay na ito. Mas makakabuti din po siguro na kung anu man po ang di namin mapagkakasunduan... Kung sino pa man po, BBK... Kami man po ni Gee o ng iba pang kasamabahay... Lahat po'y dadaanin namin sa maayos na pag-uusap. Ako man po'y di nagnanais ng away o magkaroon ng kaaway sa loob ng inyong pamamahay.
Amin pong nirerespeto ang inyong pamamahay, at alam ko po na sa amin pong iilan pang natitira na maglalaro pa at nabigyan pa ng ilang araw pa para manatili sa inyong Bahay ay bukal sa kalooban at taos puso pa din pong magbibigay ng RESPETO sa inyo at inyong Bahay. Ako po'y tumatanaw din po ng malaking utang na loob dahil po, kahit papaano pa man po'y patuloy niyong tinututukan ang aming mga aksyon at gawain... Dasal ko lamang po na wala na po sanang di pagkakaunawaan sa loob... Bagama't alam ko po at batid po ako at ang aking kaalaman na iyon po'y di maiiwasan, ngunit hangad ko po na anu man po ang di magandang nangyayari ngayon ay maayos po. Kung mayroon man pong makakaayos nun, kami po mismong mga involve ang makakaayos nito...
BBK, gusto ko pong malaman ni Charles, na di na po dapat siya nadamay pa sa isyu namin sa Council. Alam ko po na hindi din nais ni Charles mangyari yan.
Si Gee po, BBK... Alam ko po naayos na po namin ang aming dapat maayos. Ganun naman po kami. Kung may lalabas pong isyu, ka din naman pong dalawa ang umaayos ng mga iyon... Di po namin hahayaan na may kung anong bagay ay makakasira sa nabuo naming pagkakaibigan.
Si Kashen po naman, ay akin pong naaalala halos sa lahat ng panahon... Nagtataka po ako, kung bakit di na po siya masyado nagpaparamdam nitong mga huling araw... Sana naman po ay okay naman siya at nasa maayos na kalagayan...
Akin din po palang nakausap si Mica... Nalulungkot po ako sa anuman pong kanyang pinagdadaanan sa ngayon. Panalangin ko po na anuman po ang sanhi ng kanyang kalungkutan, naway's malampasan niya ang mga yun... Ganun din po kay Neil. Masaya po ako, dahil sa loob ng isang linggo niyang pag oonline sa gabi at madaling araw ay naging magkaibigan na po kami. Natutuwa po ako at masaya po ako na di na po kami nagkakailangan.
Namiss ko din BBK si Pao... Ako po'y nag online kahapon ng hapon, ngunit di na po kami nagpang-abot pa...
Kayo din po BBK, sana po'y ayos din po kayo... Sana BBK, di pa po kayo napapagod ng kakaintindi sa amin... Mabuti pa din po kayo at tinututukan niyo ang bawat isa sa amin...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home