All Star PBBFG

Wednesday, November 01, 2006

"It really is difficult losing someone you love" -Maristel

Nothing special... HALLOWEEN... Not memorable for me... Just at home... Well, we kindda planned an OUTING but it didn't push through... Guess due to financial constrains... Hahaha! And, frankly, my family weren't into going to cemeteries... What my grandma and dad used to tell me, "we can always pray for their souls..." Kaya ayun... I did pray for their souls na lang... We do visit the cemetery every once in a while.

If there were some relatives close to my heart that I did pray for, it's: my Lola Daleng, we may not have the closest bonding ever as mag-lolas, pero love ko siya. Meron sya favorite sa mga cousin ko na babae. Di ako yun... Pero the day she passed away... I was the only apo na nandun and yung gusto niya makita. I remember, nagsabi yung favorite niya na apo na sya ang magbabantay - but it was me who showed up sa Hospital. Dun ako sa pinaka lobby ng Hospital natutulog... Everytime nagbubukas yung elevator, nagigising ako... I was alone that night. I even brought her a bottle of Coke kahit na bawal... 5 hours before she died - I remember, nag poopoo pa siya. Tapos ayaw niya na nurses ang magWash sa kanya. Ayaw niya na lalabas yung paa niya, nahihiya daw siya kasi di daw siya nakapagpa manicure, pedicure... Beauty conscious kasi ang lola ko... I remember, an hour before she passed away... Kumakain kami ng Tito and Tita ko Country Chicken sa Banawe. Namatay yung lights sa Restaurant. Tapos ako, sabi ko balik na ko sa ICU. Discuss muna nila if they want na mag undergo pa intubulation si Lola. Takbo ako sa Hospital, sa kabilang building pa naman... Nashock na lang ako, kasi yung isang nurse na nagbabantay sa Lola ko, nakilala ako... She told me na, wala na daw si Lola...

Para na lang, nanlamig yung buong katawan ko, and I can't barely walk... Felt like I was... my feet were stucked from the floor I was standing on... It really is difficult losing someone you love. Someone, you grew up with... Kahit na 2nd best lang ako for her... But the thought of her leaving... Really hurts... Kahit di man kami super close, love na love ko siya. I remember 4 years ago... I was terribly sick... I was crying that night. I asked for a sign... That night, I felt that NO ONE LOVES ME... So, while inside the room... And I can't sleep, sabi ko na lang... "Ang hirap pala, if you can't feel love in return sa mga taong mahal mo... Meron pa kayang nagmamahal sa kin?"
I was appalled when I saw this ray of light from the Veranda door... I saw my lola... And suddenly I felt a tear fell from my face... I miss her... I know she's now in heaven... She'll be my forever angel...

Also my Lolo Nat... Who rarely remember the date of his grandchildren's birthday... Natatouch ako kasi, sa lahat namin na apo niya, pasapit pa lang ang May, kumakatok na siya sa pinto namin... Knocking and calling my name... Aabot siya ng pera sa akin... That became a habit for him. Annually... A year before siya mamatay... I was outside their parking... Just standing there. He called me, and handed me a 500 bucks... Alam ko wala trabaho si Lolo... Security guard lang siya dati. Hanggang sa Daddy ko na ang kumupkop sa kanya and sya na ang nagbibigay ng allowance kay Lolo... Hindi ko talaga tinatanggap... Sabi ko lang, "Dapat nga po ako ang nagbibigay sa inyo..." But he insisted... Magagalit daw siya sa akin kapag di ko tinanggap... Hanggang sa nagkagalit kami ng Daddy ko... Sabi nga namin Lolo Nat's a man of few words... Every night punta sya ng punta sa bahay namin... Gusto niya maiayos namin ng Dad ko whatever it is na pinagkagalitan nila ng kapatid ko... Di kami nakinig. Di namin alam, it was his last na pala... Forever, he's in my heart...

Si Lolo Isiong ko... LAtely lang kami nag bond. Nung tumira ako for ilang months sa bahay ng Mommy ko. Siya kasama ko sa bahay, together with my Mom and my brother & his wife. Sobrang, dun ko lang nafeel na mahal niya ako, kasi, pagkagising ko, all's prepared na... Breakfast, Lunch, Dinner. Minsan na disconnect ang PLDT namin. Kahit na may catharact siya, pumupunta siya ng Recto para lang magbayad sa main office. NAhihiya daw kasi siya sa akin. Matagal na iniwan ng Dad ko ang Mom ko, pero di niya inaway or anuman. Tumahimik lang siya kahit may galit din sa kanya ang Daddy ko. Pero still, mahal niya kami. Kung sino mahal ni Mommy yun ang mahal niya. Di ako nakakakuha ng sweldo a month before he passed away... Pero, lahat ng bills siya ang nagbabayad. Up to his last breath, isa lang sinasabi niya... Wag daw kami pababayaan, kami ng Mommy ko... Before siya mamatay, tinuturo niya sa Tito Rommel ko yung pants niya na nakasabit sa pinto ng Room niya. Yung wallet daw niya. Yun pala, may mga nakatabi siya na pera, ibigay daw kay Mommy... Sobrang ang lungkot...

Silang 3... From the hospital, hanggang sa funeral, binantayan ko... Pati ang ang pab embalm I was there. Ako nag ayos sa lola ko... Yung request niya na manicure pedicure, na 24K lahat yung ako ang nag ayos. I want to see her still beautiful even sa kanyang coffin...

I love them all... A memory... A special memory... As long as their memory linger on my mind... Alam ko, nandyan pa din sila, nagbabantay sa akin, sa amin... Nasa heaven na sila... And alam ko... In God's perfect time... In another place and time... We'll see each other again...

Mahirap mamatayan... Pero, buhay natin hiram lang sa Diyos... At sa huli, alam ko dun pa din tayo sa kanya babalik, sa piling Niya... Na siyang may lalang ng lahat... Mawala man tayo, pero, it's MORE and MUCH BETTER LIFE that AWAITS US, with our God Heavenly Father...

May they Rest in Peace...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home