All Star PBBFG

Wednesday, November 01, 2006

Gee and Trish's activity

Lolz! Until now, kinikilabutan parin ako…

If ever I’ll die that age ( 100 years old ), I want that pic to be posted, yung pic na fresh pa ako. Haha… Ang sagwa naman kasi, ang girly ng epitaph tapos mukhang lupa yung nasa pic. Well, well, well…

How would I explain that? Haha, obviously, that is not a very SOLEMN epitaph. Pero, every single line is really worth reading for those na hindi ako kilala. I think it can somehow catch attentions. Haha! I want them to know na yung naging life ko ( or yung magiging life ko… ang gulo! Hehe) is not that simple. Dahil kahit kailan, hindi ako pumapayag sa isang bagay na blank. It’s not that I’m making simple things ( especially problems! Waah!) complicated. But I want everything to be colorful and meaningful. I’m not just closing a chapter na hindi nagkakaroon ng kabuluhan.

Yes, you may see me as a clumsy, kikay, and maarte chiq, pero once na nagsalita ako… Hehe… Kayo na ang mag judge! I’m pertaining the TARAY word sa pakikipaglaban ko kung ano sa tingin ko ang tama. Hindi naman ako basta-basta nagtataray ng walang saysay. And you know what? Whenever I’m doing that, I do feel beautiful. Why? Because I believe I’ve done worthy stuffs. Win or lose, it’s fine with me. I’m accepting mistakes naman.

Thus, I want that epitaph to be written that way. Why? Kasi, that’s me! Akong- ako! Somehow, eventhough wala na ako, I want to make my lovedones smile bye simply reminding them kung sino ako. ANG BABAENG MAS MAGANDA KAPAG NAGTATARAY! Hahaha… There…


Things you want to do or accomplish before you finally rest in peace..

Ofcourse, lahat naman tayo may kanya-kanyang DREAMS. As much as possible, I want to pursue all of them:

* To become the Future SEXIEST Information Professional (haha!)
* To build our family’s dream house
* To be rich… Super rich!!! As in… Because marami akong gustong tulungan.
* To have my own family ( siyempre!). A very nice, understanding and romantic husband and cute kids with good manners.

… and actually, nakakahiya man pero kasama sa mga pangarap ko ang magkaroon ng pangalan from a reality show. Haha! I hope magkaroon ako ng time for that.


My Last Will Of Testament…

Lahat ng mga kayamanan ko ( o magiging kayamanan..) ay paghahatihatian ng aking mga anak.

Ang aking mga damit ay ibibigay ko sa aking pinsang nagngangalang Joy De Leon. Maaari din niyang bigyan ang aming naging katulong na si Ate Len para hindi na nila kailangang manghiram ng damit nang walang paalam.

Ibibigay ko ang koleksyon ko ng mga hikaw sa aking bestfriend noong higschool.

Ang mga pabango ko, laman ng aking vanity kit at mga accessories ay paghahatihatian ng 102901.

Ang aking mga scrapbook, journals, diary, autograph, photoalbums at kung ano-ano pang mga memorabilias ay naig kong ilagay sa aking mausoleum.

Ibibigay ko ang password ng aking friendster, blogs, myspace, hi5, fotki, photobucket at multiply kay Rachel na lagi kong nakakasama tuwing may aksidenteng nagaganap. Ang password ko ay ******. Scratch mo na lang!

Si Ate Issa ( ang aming kasambahay) na ang bahala kay Roxie, my pet. Yung shampoo niya ah!

Ibibigay ko ang aking nagiisang blingbling sa kapatid ko, oo ikaw lang un Hanz! Pwedeng-pwede na niyang ibenta yan para makabili ng sarili niyang blingbling pero kung nais niyang itago, wala namang kaso. Nawa’y magsilbi iyong alaala ng aming hilig sa hiphop music.

Speaking of music, aking ibinibigay naman ang collection ko ng CDs sa aking kaibigang si Joan Jingco. Pwede nyang bigyan ang bestfriend ko noong highschool na si Lynel.

Ang collection ko naman ng Bacstreetboys at Moffatts ay paunahan na lang ang mga kaibigan kong fan din nila. Bahala kayong mag-gera dyan!

Nais kong ang kaibigan kong si April Marcelino ang magmake-up sa akin. Ang damit na aking isusuot ay iyong 2nd dress ko noong debut party ko. Yung hikaw ay iyong hikaw na ginamit ko noong graduation noong highschool. At sa mga accessories, bahala na ang mommy ko. Siya naman ang final judge sa lahat ng mga isinusuot ko. Sadness!

Nais kong glittery red ang kulay ng aking coffin. Paligiran sana ito ng Red Roses. Ilagay sana ang sexiest picture ko bilang display. Ilagay niyo din ang mga memorabilias ko sa tabi ng coffin ko. Utang na loob, wag ninyo akong iki-cremate kung hindi ay hindi ko kayo patatahimikin. Mumultuhin ko kayo gabi-gabi at iki-cremate ko kayo ng buhay!


Gusto ko, “Remember me this way” ang kanta kapag ihahatid na ako sa huling hantungan.

During my interment, nais kong marinig ang tinig nila JM Domingo, ang lagi kong ka-duet noong highschool. Kantahin mo ang A Whole New World. Mag-duet kang mag-isa! Nais ko ding marinig ang tinig ni Paolo Miguel Mata sa kanyang bersyon ng WHEN I FALL IN LOVE. Nais ko ding marinig ang tinig ng kaibigan kong Lucky Buenaventura, “ Panunumpa” yung kanta. Nais ko ding marinig ang golden voice ng daddy ko. Kahit anong kanta ay ayos lang sa akin, basta galling sa kanya. And last, yung tipong ibinababa na ako, gusto kong marinig ang tinig ni Benjamin Espina sa kantang Pasilyo. Sana ay marinig ko pa ang lahat ng mga iyon.

Lahat ng aking mga natirang gamit, mga litrato, at kung ano-ano pa, ilagay ninyo sa king mausoleum. Sana, ang mga kandilang ilalagay ninyo ay color red.

Ayan, sobrang hassle ban g mga kahilingan ko? Pasensya. Ang malas niyo kasi nawala na ako! Pero kung mahal niyo talaga ako,…. Bahala na kayo!

Huwag kayong mag-alala, balang araw ay magkikita-kita ulit tayo...At pwede niyo na akong bugbogin.

MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT!

: )

Sa ginawa ko pong lapida, well, medyo ginawa ko pong kenkoy kasi ako po ay isang masayahing tao. I hate being a sad person. Kaya po medyo may konting kulay yung lapida ko! Tapos kaya po may mga pumpkins, kasi tinama ko po sa halloween! hehehehe!

how to plan death:
pag namatay po ako like ko ang crimation... tapos like ko po yung mga guys na naka wear ng t-shirts and dress naman po sa mga babae... yung color po are "ALL SHADES" ng pink.... mapa dark pink man po or light pink.... basta lahat po ng color ng pink will do. Ganun din po ang shades ng flowers na nakapalibot sa casket ko before po ang crimation ko..... tapos after po ng crimation ko... like ko po yung ashes ko eh nakalagay sa isang maliit na pendant and nakalagay sa chin at gawing necklace ng mga family members ko and even yung special someone ko meron din po. para po whereever po sila mag punta eh lagi nila me kasama and maaalala.....

Ang Huling Testamento
Ni
TRISH ARREZA

Ako, si Trish Arreza, nakatira sa Mindanao Avenue, Quezon City, idinidiklara ko na ang lahat-lahat ng aking pag-aari mula sa aking mga lupain at bahay, hanggang sa aking pera na nagkakahalaga ng 10 milyon eh buong puso kong inihahandog sa lahat ng bata sa BANTAY BATA 163, na wari'y magkaroon sila ng isang bahay na matutuluyan at sapat na pagkain sa araw-araw.Nawa'y maka-kain sila 3 beses sa isang araw. Ito ay inihahandog ko kay Sister Stella EL na siyang tagapamahala ng mga bata at ng nasabing organisasyon.

Lagda: Trish Arreza

0 Comments:

Post a Comment

<< Home