All Star PBBFG

Saturday, November 04, 2006

Charles confesses: Isa lang ang sigurado, isa sa mga VH ang lalabas

BBK, napakadaming nangyari nitong huling linggo matapos ang unang nominasyon. Pero sana nakasara na ung isyu na yon, kahit wala masyadong pag-uusap na nangyari...

Nominasyon na naman po, sana pagkatapos nito, ay wala nang isyu na lumabas. Sana maayos na tanggapin ng VH na mapapaalis ang desisyon ng kanyang mga kasama sa loob ng bahay. Isa po itong laro, at hindi personalan.

Nakokonsiyensiya po ako na hindi na ako masyadong nakakasama sa mga pag-uusap ng mga VH. Sa nominasyon na ito, maaaring ako ang maging delikado, maaari din namang hndi. Isa lang ang sigurado, isa sa mga VH ang lalabas (obvious ba?).

Sana walang magquit na VH, pero nauna na si jomar. Nalungkot ako sa kanyang desisyon, pero alam kong ang desisyon niya ay pinag-isipan niya. Matalinong bata si jomar, alam niya ang ginagawa niya. Sa mga natitirang VH, kaya natin ito!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home