All Star PBBFG

Monday, November 27, 2006

Maristel confesses: Naaalala ko po na sinabi ko kay Mica, baka ang next Battle ang magiging permanent naming LOVETEAMS

Sayang naman po pala, and di ako masyado nakapag-participate dun sa Household Council yesterday... Not that I'm saying na, I've missed a lot of juicy stuffs kaya lang, naMiss ko lang po ang aking mga co VHs... Nakakalungkot po kasi, na nakipagsabayan pa ang sira nitong computer ko... Ayun po tuloy just for the sake of the game, eh mapipilitan na po ako na magRent later ng Computer.

Masaya din po ako, kasi po, at long last, nagkaoon na po ako ng chance na makaBonding si Neil G. Actually BBK, noon ko pa naman po talaga pinangarap na makausap and makachika si Neil, kaya lang po, medyo nag-aalangan din po ako, on how he would accept the MATS sa kung ano man po ang nabasa ko sa mga Confessions niya... Natutuwa po ako na in a way, kahit po medyo latter part na ng game kami naging magkaBonding... Nalungkot din po ako BBK, for 2 nights kasi di ko din sya naka chat... Kasi naman nga po ang computer ko, 48 million years bago mag Open ng program ang maka log in sa aking name.

Nung minsan naman po, natawa ako nung makaText ko si Mica, kasi gusto niya po malaman kung sino daw po ang magiging kasama niya sa team... Sabi ko lang po, either Kashen or Rowen na... Naaalala ko po na sinabi ko kay Mica, baka ang next Battle ang magiging permanent naming LOVETEAMS... Hahaha! At di naman po ako nagkamali! Kasi si Kashen naging kaTeam si Pao and si Rowen naman kay Mica... Si Gee and Charles naman po! Sobra pong tawa ako ng tawa nung tinext ko kay Mica yun...

Masaya din po ako, kasi si Neil, nakapagParticipate sa Battle ngayon... Di ko inaakala na makapag-OL siya, kasi po, di nga po kami magtugma nitong past few days sa YM yun naman pala ay nagLeave siya... At least, nakita ko po in his own little way na - nagEffort siya... I may have known him a bit late, pero masasabi ko po, na mabait si Neil. Di po siya mahirap makaSundo... Natutuwa ako na we both can keep each other alive sa aming late or till sun up Chats...

BBK, kung meron man po ako talaga namiMiss right now... Si sis Kashen and Gee yun... Si Kashen po, di na po siya nakakapagtext... Si Gee naman po, nabanggit niya kanina na 3 to 5 days daw siya na di makakapag-OL or mag OL man po siya sa ILAS (nga ba yun?!) Haiii... I super miss my sissies a lot na! Parang, di kumpleto araw ko, kapag I haven't heard from them po kasi...

Si Charles po, naalala ko naman po the Other Expulsion Night ng PDA kasi natanggal na si DAVEY and kahawig talaga ni CHARLES, ang tagal na din po namin, di nagkaChat... Super miss ko na si Charles, BBK... Sana po pag-OL ko mamaya, magkita po kami... Si Pao po, natutuwa po ako... Kasi, ngayon po, kahit papaano mas longer na yung time namin para magkausap...

Sana po kahit papaano... Kahit di naman sobrang mahabang oras, at least mas makapag-KEEP UP kami with each other... Miss na miss ko na po sila! Pati ikaw BBK, minsan lang tayo chat lately, nagkaroon pa ng power interruption sa amin...

Oh well, till here po muna... I'll cast my vote later po... I've think about it a hundred times... And buo na po isip ko... Sino man po sana ang iVote ko, maintindihan niya po... Tama naman po kasi BBK ang nabasa ko sa sinabi ni Neil sa confession niya... Kung sino po yung nakikita ko na talagang playing the game right, yun ang dapat na mag stay sa House...

Goodluck na lang po sa aming lahat...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home